Tuesday, May 3, 2011

Limang Paraan Kung Paano Ba Yumaman

Bawat tao ay gustong yumaman o di kaya mabuhay ng komportable at walang problemang pinansyal. Pangarap natin na magkaroon ng maraming pera upang mabili natin ang mga bagay na gusto natin. Ngunit naitanong nyo na ba sa sarili ninyo kung paano ba yumaman?

Heto ang walong paraan kung paano ba yumaman:

1. Manalo sa Lotto

Ito na marahil ang isa sa pinakamabilis ngunit pinakamahirap na paraan kung paano yumaman. Mahirap dahil napakaliit ng probabilidad na mapanalunan ang jackpot prize. Kaya dapat siguraduhin na ang perang gagamitin sa pagtaya ay ang sobrang parti ng iyong pang-araw araw na budget

2. Mag-asawa ng mayaman

Nakakalungkot pero isa rin ito sa mga paraan upang yumaman ne madali. Ngunit kung ako ang tatanungin, mas importante na nagkakaintindi at nagmamahalan ang dalawang tao na gustong magpakasal sa isa’t isa.

3. Maging tagapagmana ng isang mayaman

Ito’y kasing hirap din ng manalo sa lotto dahil hindi lahat sa atin ay mayroong mayamang kamag anak na malapit nang mamatay.

4. Magtipid, magtiyaga at magtrabaho ng mabuti

Ito marahil ang isa sa pinakamahirap ngunit garantisadong paraan kung paano kumita ng maraming pera. Kapag ang isang tao ay sinunod ang lahat ng ito, siguradong yayaman talaga ito.

5. Magtayo ng sariling negosyo

Bago gawin ito, siguraduhin muna na mayroon kang sapat na kaalaman sa negosyong gusto mong pasukin ng sa ganoon ay hindi ka magkamali sa mga desisyon na gagawin mo tungkol sa iyong negosyo.